10/22/13

Goodmorning. With my Boy Kein.



Wake up na kami papasok na siya eh. Kasi kelangan asikasuhin ang pamangkin ko eh! Maaga kasi lai siyang pumapasok ako nag aasikaso kasi ate ko pagod lagi sa trabaho kaya ako na lang ang nag aasikaso sa anak niya. Since baby pa lang naman pamangkin ko na si kein taga alaga niya ako. Pinapaaral kasi ako ni ate kaya dito ako sa kanya nakatira at nag aalaga sa pamangkin ko. Ok lang naman pag papaaral sa akin ni ate hindi ako umaabsent. Kahit walang pera ginagawan niya ng paraan. Kaso ako yung matigas ang ulo kaya lagi akong napapagalitan ni ate eh! Bawal kasi akong mag boyfriend kaso nag bbf ako pero ngayon hindi na nuh. Promise! Kahit minsan late ako umuwi di naman totoo na nag gagagala ako at kasama ko boyfriend ko actually si joy lang talaga kasama ko. Pag may bibilhin si joy sa palengke nagpapsama siya. Kaya nga pag labas pa lang ng school takbo na agad kami sa palengke eh. para di malate sa pag uwi. Kaso minsan napapagalitan ako ni ate kasi nalalate ako sa pag uwi kasi nga pumunta pa kami ng palengke ni joy kaya napapagalitan ako. Pero ngayon nagpapakabait na ako. Ginagawa ko na lahat naglilinis ako lagi naglalaba tuwing weekend nag aaralna ng mabuti para di na sumama yung loob ni ate. Kahit wala na siyang tiwala sa akin. Ok lang. Kasalan ko naman e. Oh siya ngayon maglilinis na ako at gigisingin ko na si ate para mag trabaho na siya sa work niya.


10/21/13

Cute Hat.


Sorang cute nitong hat na to ni mommy jharen pinahiram niya sa akin kaya ito picture picture lang. Gusto ko magkaganto. Kaso mahal eh. kailangan ko pa ng pera pangbili kaya tama na munang manghiram. pinapahiram naman ako ni momy jharen eh. Ang kulet namin ng mga classmate ko kanina puro tawanan ako daw si maria mercedes. Hahaha! Ako naman feel ko ang ganda kaya ni jessy sino naman kaya ang hindi magagandahan sa kanya no. Si maria mercedes kasi maganda siya maputi maganda kaso hirap siya sa buhay. Pero iaangat niya ang buhay nila. ang ganda ng kwento niya rin kahit iniwanan sila ng nanay niya namatay tatay niya nakulong kuya niya talagang inahon niya buhay nila sa kahirapan. Pinag aagawan siya ng mga lalaki sa sobrang ganda niya. Gusto ko na talaga si Jessy. Tapos kanina tawag sa aki ng mga classmate ko Kambal ko nad aw si nicole parehas pa kami ng buhok kanina. haha. ang saya naman kasi mercedes 1 and meredes 2 ang tawag sa amin. ang lakas talaga trip ng mga classmate ko.
Kaya nga alng insa yung ma biro nila hindi na sila nakkatuwa kasi ang dami ng teacher ang nagagalit dahil sa kaingayan namin. Sobrang ingay kasi at ang kukulet kala mo elementary kung makapag ingay.
kanina nag role playing kami ang galing namin lahat about sa entrepreneur hahahaah!
Maria mercedes di ako maka move-on dun.




10/20/13

Selfie.




Picture picture lang. Habang naglalaba! Sobrang napagod ako ngayong araw na to. Laundry day eh.Ito nagpapahinga lang ako ngayon nanonood ng t.v. Wont Last A Day Without You. Story yun ng isang Dj at nang isang lalaking iniwan ng gf niya dahil sa advice ni Nung DJ. Kaya galit na galit yung boy sa Dj kaya tinakot nung boy na papasuspinde niya yung Dj pag di pa sila nagkabalikan ng Gf niya. Kaya ginawa nung boy na utusan yung Dj. Nang mapagod na sa araw araw na pag uutos at pagkadisgrasya si Dj Girl tinaya niya na yung pag ka Dj niya para lang lubayan na siya ng Boy. Sobrang nasaktan si Dj Girl sa mga sinabi nung boy. Ilang araw na hindi pumapasok sa trabaho si Dj Girl kaya nag Sorry na yung Boy kay Dj Girl . Inaaccept niya naman yung apology nung boy. Kaya araw araw sinasama nung boy at yung boy parang nahuhulog na siya kay Dj girl. Hanggang sila na yung nagkatuluyan.
Ganda ng story grabe Super! Favorite ko kasi si Sarah Geronimo. Ang galing niya kumanta sobra yung kanta niya ngayong Ikot-ikot lang alaways ko pinapakinggan ganda kasi eh. 
Super Talented Girl kasi si Sarah.


10/19/13

Character Parade. POCAHONTAS.


 Ako si pocahontas diyan nag Character parade kami. At Nag Play kami ng pocahontas Okay lang Kahit 2nd place lang kami atleast ginawa namin lahata ng makakaya namin. Salamat sa mga props kay johncris at costumes kasi siya lahat gumastos pati meryenda namin siya pati nagturo sa amin diyan! Sobrang saya nung nagprapractice kami kasi nakakatuwa play namin kaso an hirap mabuo nung una kasi kailangan kabisado na namin yung mga piece namin. Kaya todo memorize kami diyan.Kaso minsan nagkakainitan yung dalawang bakla naming classmate kasi si johncris yung nagtuturo si jeffrey yung pangalawang nagtuturo. Eh si jeffrey nagloloko hindi makiusapan puro hindi sineseryoso pag practice kaya laging mag bangayan portion sa practice lagi akong late magpractice kasi si ate minsan di ako pinapayagan kasi baka daw san ako pumunta. Kaya habang nandun ako sa bahay nagmememorize na ako dun 6 pa lang ng umaga nandun na sila ako 10 pa lang lagi pumupunta sa practice. Eh ako pa naman ayung main character. Tapos palaging LATE!
Nung araw na ng Play namin. Grabe na yung kaba ko nun ang daming kalaban 1st year to 4th year ang mga sumali. Nung kami na nagplay Ok naman tuloy tuloy naman. Grabe ang galing namin! Kaso na iyak si joy kasi nakalimutan niya yung script niya! kay naiyak siya! pero tuloy pa rin play namin. Hanggang 2nd Place nga kami masaya naman kami kasi may PLUS GRADE Kami sa ENGLISH subject!




10/18/13

Lets Eat Spaghetti and Pansit Bihon.

 Yummy! Ang sarap ng spaghetti at pansit bihon luto ng mama ko po yan Birthday kasi ng pamangkin ko na si tifa uy. 3 years old na siya hindi kasi ako nakapunta ng party kasi pumasok ako sa school kanina kailangan bawal umabsent dahil sa chemistry ang strict na kasi ng teacher namin na yn eh. Sobrang baba na daw kasi ng mga test results namin kaya kailangan na nyang magstrict.



Kaya ito ngayong gabi na lang ako kumakain. Tapos na yung party kaya dito na alnga ko sa bahay. Nagpapakabusog naman ako dito ngayon sobrang
dami ko ngang nakain eh. Sobrang sarap talaga ng luto ng mama ko. Da best 
pagdating sa lutuan kaya mana ako sa kanya eh. 
Mahilig mag luto ang mama ko kaya pag nagluluto 
si mama nanonood ako kaya ako natututo. Marami na akong alam na luto ni mama. Kaya nga hangang hanga sa akin yung mga kapit 
bahay namin eh. kasi minsan pag may pumupunta 
sa amin pag pinapakain ko ako yung nagluluto. Sinasabi ang Sarap daw. Masaya naman ako kasi marunong akong magluto.





10/17/13

My Bestfriend.

 Nagpicture kami nyan kanina sa school. Wala pa kasi teacher namin.Kaya nagpicturan kami. Nung dumating na teacher namin nag start na yung class namin first subject namin ay MAPEH.
Daming nangyari kanina Puro chech lang ne exam ng ibang section at nag correct response kami. Nung uwian na umaambon tapos pumunta kami ng palengke para magpatahi. Naghanap kami, nung may nahanap na kami na patahian ng project namin na flag umuwi na agad ako. Kaso pa uwi ko napagalitan ako ng ate ko. Kasi gabi na daw.
Yung Kasama ko sa picture na yan BESTFRIEND ko yan laging nasa bahay at sabay kaming pumasok halos hindi na kami maghiwalay nyan.
Baliw yang bestfriend ko na yan eh.Ang lakas ng trip lagi mahilig syang kumain hobby namin yun eh. Di na kami nakakapag ipon ng pera kasi sa sobrang katakawan namin. Ayan ang bestfriend ko. Si Maryjoy. Mahal ko yan.






10/15/13

Fresh from the Bath


 Wala kaming pasok ngayon kaya ito kakaligo ko lang. Maghapon akong naglinis g bahay. nung umaga pumasok pumunta ako ng bahay ng ate ko kasi tinignan ko yung bill ng ilaw namin tapos pagdating ko naman ng bahay nag tiklop naman ako pagtapos nagluto ng pananghalian namin pagkatapos naghugas ng pinggan. tapos nagpahinga ako, pagkapahingan ko naglinis ng bahay. Sobrang napagod ako tapos natulog naman ako. Ginising ako ng ate ko kasi yung kapitbahay namin nagpapamake-up sa akin. Kinulutan ko at Make-up ko din.






Tapos nun nanood ako ng tv. ang pamagat ng palabas Tv 'I DO' ang ganda ng story nya . Pagtapos nun naligo na ko. Wala kasi kaming pasok dahil holiday. Sarap ng feeling pag bagong Ligo.




Study Hard


 Ngayon gumagawa ako ng Assignments ko sobrang dami ang hihirap pa nung iba.Kaso kailangan galingan ko sa pag aaral para makatapos ng pag aaral.

Kakauwi ko lang galing school sobrang napagod ako kasi nag correct response kami at nagcheck kami ng papers namin kasi nag test kami nung thursday at friday. Masaya naman ako sa naging resulta ng Exam ko kasi kahit mababa pinaghirapan ko yun kahit nangamote ako sa pagtetest.


Sobrang hirap kasi talaga.Kinaya ko yun para di ako pagalitan ni ate pag mababa ang result ng exam ko. Ngayon ginawa ko na agad yung assignments ko kasi ang hirap eh. Kailangan matapos agad ako.Para Makatulog ng maaga bukas wala kami pasok kasi Holiday ano kaya gagawin ko bukas.
 Alam ko na ang gagawin ko na lang buka ay magtiklop ng damit kasi nung naglaba ako nung weekends baka bukas palang ng umaga matuyo.  
Pag natapos ko na tong Assignment ko na yun matutulog na ko ng maaga para magising ako ng umaga para maglinins ng bahay.

10/13/13

The Laundry Day.

So Tired.




Hayy! Maghapon akong naglaba dapat kasi kahapon pa ako naglaba kaso ang lakas ng ulan kahapon kaya ngayon na lang ako naglaba. Gawain ko talaga ang paglalaba tuwing sabado kung hindi naman sabado linggo. Kailangan kong maglaba kasi wala akong susuotin na damit sa buong isang linggo. Ako ang taga laba sa amin kasi ate ko may trabaho kaya hindi niya na ako natutulungan pero ok lang kasi wala naman akong ginagawa tuwing weekend kaso nga lang nakakapagod. Madami kasi ako laging nilalabhan damit ng ate ko, kuya ko, pamangkin ko pati na rin yung sa akin. Okay lang sa akin na ako ang utusan sa bahay at taga-laba pinapag aral naman ako ng ate ko. Kaya nagpupursige ako ngayon sa pag-aaral para makapag-tapos ako at maka-hanap ng magandang trabaho balang araw. Ang gusto ko pagtapos ko sa pag-aaral maging isang pulis ako o kaya maging isang sikat na model. Nagpapakabait na po ako ngayon sa ate ko kaya lahat ng utos nila ginagawa ko kahit utong paglalaba. Ngayon magpapahinga na ako masyado akong napagod eh.

SEXY BODY!

IT'S ME.
Its me. Totoo po ako yan walang halong biro o joke. hehe Pinicture ko yan nung nasa school ako. Bestfriend ko ang nagpicture nyan nung nasa Comfort Room kami magpapalit kasi ako ng damit nun kasi dun ako natulog sa bahay ng ate ko kaya yung uniform ko nilabhan ko. Eh friday pala PE Class namin tuwing friday.Kaya tinext ko mama ko na ipadala yung PE Uniform ko sa kapit bahay namin. Nung binigay na sa akin yung Pe uniform ko Nagpasama ako sa Bestfriend ko na Classmate ko pa si Mary joy Calda. Siya yung Bestfriend ko sa school since Sophomore pa lang kami.Nung nagbibihis na ako nagpipictuer siya sa Cr nung nakita niya na ganyan ang suot ko naka-tube sabi niya sa akin picturan nya daw ako pumayag naman ako. Feeling Sexy kasi ako eh. Kaya pumayag ako. Sobrang Sexy Ko Ba Dyan? Feeling lang po ako. SEXY!





IM THE QUEEN ELENA 2013.

Nag Reyna Elena ako sa Lugar namin sa Buhanginan Solid Cement Antipolo City. Tuwing Buwan ng Mayo pinagdiriwang ang Santa Cruzan o kung tawagin ay Sagala.Tradisyon ng pinagdariwang dito sa pilipinas. Ako ang Reyna Elena nyan ako yung pinakahuli sa lahat ng mga reyna. Sobrang saya ko nyan kasi feeling ko ako na ang pinaka maganda sa buong mundo kahit ang kapal ng make up ko diyan. Sumayaw kami diyan ng Kutilyon.Isang linggo din kaming nag practice sa sayaw ng Sagala halos pagod kami lagi kasi pupunta pa kami sa court 8:00 pm ang [ractice namin uuwi na kami 11:00 pm. Pero madami naman kami lagi pag nag prapractice kaya masaya. Ang partner ko diyan ay si Joecel Nava. Dapat di siya yung partner ko eh. Dapat si jairoh kaso Muslim siya bawal daw kasi yun sa kanila. kaya nung dalawang araw bago mag santa cruzan problemado na ako kasi wala akong partner sakto sila ate pumunta ng buhanginan para humiram ng mga gown nasakayan nila yung trycicle nila joecel. Nung niloloko lang si joecel ng ate ko na wala akong partner nagprisinta siya na sya na lang daw ang partner ko. Nung una ayoko kasi bwiset ako sa lalaking yun. Hindi naman ako asar talo sa kanya naiinis lang ako kasi ang minsan yung mga joke niya hindi na nakakatuwa eh. Pero sa huli pumayag na din ako kasi wala akong mapili eh. Halos lahat ng gastusin para sa mga design ng arko ko sila joecel na gumastos kasi kami na nila ate gumawa ng arko eh. kami na kumuha ng kawayan kaya kami na gumawa. Araw na ng Santa Cruzan 12:00 pa lang naligo na ako. Pumunta na ko sa Buhanginan dun kasi ako mamake-up an pa ako. 4:00 kasi Start ng Santa-Cruzan. Grabe ang daming magaganda lalo na ako. Hehehe Nag parada kami simula Buhanginan hanggang sa Villa tapos Villa hanggang gate. Nung Sumayaw na kami Ako yung pinaka-maraming inikutan kasi ako yung reyna elena. Nanalo ako ng Best in Arc. Kami kasi yung pinaka-magandang Arko Eh Salamat