So Tired.
Hayy! Maghapon akong naglaba dapat kasi kahapon pa ako naglaba kaso ang lakas ng ulan kahapon kaya ngayon na lang ako naglaba.
Gawain ko talaga ang paglalaba tuwing sabado kung hindi naman sabado linggo.
Kailangan kong maglaba kasi wala akong susuotin na damit sa buong isang linggo.
Ako ang taga laba sa amin kasi ate ko may trabaho kaya hindi niya na ako natutulungan pero ok lang kasi wala naman akong ginagawa tuwing weekend kaso nga lang nakakapagod.
Madami kasi ako laging nilalabhan damit ng ate ko, kuya ko, pamangkin ko pati na rin yung sa akin.
Okay lang sa akin na ako ang utusan sa bahay at taga-laba pinapag aral naman ako ng ate ko.
Kaya nagpupursige ako ngayon sa pag-aaral para makapag-tapos ako at maka-hanap ng magandang trabaho balang araw.
Ang gusto ko pagtapos ko sa pag-aaral maging isang pulis ako o kaya maging isang sikat na model.
Nagpapakabait na po ako ngayon sa ate ko kaya lahat ng utos nila ginagawa ko kahit utong paglalaba.
Ngayon magpapahinga na ako masyado akong napagod eh.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento