Sobrang Pagod ngayong araw na to kasi Nag Exam kami.
2nd periodical exam namin.
Nung papunta na ako sa school bumili ako ng floorwax at basahan.
Bawal kasi mag exam pag walang dalang floorwax at basahan.
hahahha
Nung nasa school na po ako ang tagal dumating ng teacher namin kaya nagpicturan muna kami. Ang kulet nga eh may wacky shot at pa cute na anggulo.
Nung dumating na yung teacher namin chineck nya kung sino na may dala nung floorwax at basahan.Pinapasok nya na kami isa isa.
Nung umupo na ako sa bangko ko nagreview ako ng kaunti tapos nag start na yung Exam namin ang una naming Tinest Mapeh Subject grabe nahirapan ako sa mapeh kasi unti lang yung napag aralan namin halos kalahati hindi namin alam kasi yung subject teacher namin sa Mapeh hindi sya nakapagturo ng ilang linggo kasi nagpapractice sila ng Cheerdance. Kasi World teachers day Lahat ng School sa Antipolo , Bawat teacher ng school gagawa ng grupo ng sayaw. Alam mo ba yung School namin nanalo ng Cheerdance ng mga teachers. Sobrang galing po kasi ng mga teachers ng school namin.
Tapos Pagtapos ng exam namin sa mapeh Break time agad namin.
Ang kinain ko lang ay Banana Q at Juice Tetra Pack.
Kailangan ko kasing magtipid.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento