10/12/13
Picture with my sister.
Nagpicture kami niyan nung 1st birthday ng pamangkin ko. Sobrang saya naming buong pamilya kasi napaghandaan nila yung birthday ng pamankin ko na si asiang. Siya ang prinsesa namin sa pamilya kasi siya yung pinaka-bata kong pamangkin na babae. Nasa Comfort room kami nyan ng kapatid ko yang picture na yan. Minsan nag-aaway kami ng kapatid ko pag merong hindi pagkakaunaawaan sa isat-isa at minsan din nagtatampuhan kami. Pero siya yung pinaka-close ko sa magkakapatid. Ako yung mas matanda sa kanya pero ako yung mas matigas ang ulo.Minsan na-iimpluwensyahan ko siya ng katangahan ko.Pero ngayon nagbabago na ako nagpapakabait na ako sa ate ko, mama ko at sa uong pamilya ko. Pinaghuhusayan ko na pag-aaral ko. Parehas lang kaming School na pinapasukan kaya minsan pag may nang- aaway sa kanya pinagtatanggol ko siya. Proud ako na may kapatid sa school na maganda at matalino. Maraming nagkakagusto sa kapatid ko na yan maganda kasi siya kaso mataray yan mas maldita pa sa akin. Kaya ang masasabi ko lang sa kapatid ko mahal na mahal ko siya. Hindi ko siya papabayaan,lagi ko siyang pro-protektahan. Magiging mabait akong ate sa kanya.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento