10/13/13

IM THE QUEEN ELENA 2013.

Nag Reyna Elena ako sa Lugar namin sa Buhanginan Solid Cement Antipolo City. Tuwing Buwan ng Mayo pinagdiriwang ang Santa Cruzan o kung tawagin ay Sagala.Tradisyon ng pinagdariwang dito sa pilipinas. Ako ang Reyna Elena nyan ako yung pinakahuli sa lahat ng mga reyna. Sobrang saya ko nyan kasi feeling ko ako na ang pinaka maganda sa buong mundo kahit ang kapal ng make up ko diyan. Sumayaw kami diyan ng Kutilyon.Isang linggo din kaming nag practice sa sayaw ng Sagala halos pagod kami lagi kasi pupunta pa kami sa court 8:00 pm ang [ractice namin uuwi na kami 11:00 pm. Pero madami naman kami lagi pag nag prapractice kaya masaya. Ang partner ko diyan ay si Joecel Nava. Dapat di siya yung partner ko eh. Dapat si jairoh kaso Muslim siya bawal daw kasi yun sa kanila. kaya nung dalawang araw bago mag santa cruzan problemado na ako kasi wala akong partner sakto sila ate pumunta ng buhanginan para humiram ng mga gown nasakayan nila yung trycicle nila joecel. Nung niloloko lang si joecel ng ate ko na wala akong partner nagprisinta siya na sya na lang daw ang partner ko. Nung una ayoko kasi bwiset ako sa lalaking yun. Hindi naman ako asar talo sa kanya naiinis lang ako kasi ang minsan yung mga joke niya hindi na nakakatuwa eh. Pero sa huli pumayag na din ako kasi wala akong mapili eh. Halos lahat ng gastusin para sa mga design ng arko ko sila joecel na gumastos kasi kami na nila ate gumawa ng arko eh. kami na kumuha ng kawayan kaya kami na gumawa. Araw na ng Santa Cruzan 12:00 pa lang naligo na ako. Pumunta na ko sa Buhanginan dun kasi ako mamake-up an pa ako. 4:00 kasi Start ng Santa-Cruzan. Grabe ang daming magaganda lalo na ako. Hehehe Nag parada kami simula Buhanginan hanggang sa Villa tapos Villa hanggang gate. Nung Sumayaw na kami Ako yung pinaka-maraming inikutan kasi ako yung reyna elena. Nanalo ako ng Best in Arc. Kami kasi yung pinaka-magandang Arko Eh Salamat





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento